
Innovation
Robotics Project Propel




Sa mundo ngayon ng teknolohiya, ang edukasyon ay patuloy na umuunlad upang makasabay sa mabilis na pagbabago. Isa sa mga pinakahuling trend sa larangan ng edukasyon ay ang pagsasama ng robotics. Dahil dito, isinasagawa ng San Fernando North Central School ang isang Robotics Class para sa mga mag-aaral nito. Ang mga kalahok sa nasabing Robotics Class ay mga mag-aaral mula sa ika-apat hanggang ika-anim na baitang. Ang Robotics Class ay isinasagawa tuwing lunes, sa Computer Room ng paaralan. Sa pangunguna ng aming punong guro na si Gng. Maria Liza Higoy, ay naisakatuparan ang nasabing robotics class. Si Engr. Marcial Higoy Jr. ang naging tagapagturo sa Robotics Class ng mga mag-aaral. Siya ay isang dalubhasa at napakagaling sa larangan ng Robotics kaya siya ang pinili ni Gng. Higoy upang mapangasiwa ang Robotics Class. Ang robotic class ay isang uri ng programa sa pag-aaral na nagtuturo sa mga mag-aaral tungkol sa mga prinsipyo at aplikasyon ng robotics. Sa pamamagitan ng mga hands-on na gawaing pang-engineering, ang mga mag-aaral ay natututo kung paano magdisenyo, mag-programa, at gumawa ng mga robot. Ang pagdisenyo at pag-programa ng mga robot ay nangangailangan ng malikhain at kritikal na pag-iisip. Ang robotics class ay tumutulong sa mga mag-aaral na mahasa at malinang ang kanilang mga kakayahan sa paglutas ng mga suliranin.
Ang robotics ay isang lumalagong industriya, at ang mga mag-aaral na may kaalaman sa robotics ay magkakaroon ng mas magandang pagkakataon sa trabaho sa hinaharap.

